Ang karamdaman, isang bahagi ng pagkatao

Taunang kinikilala ng Simbahang Katolika ang World Day of the Sick upang hikayatin ang lahat na magdasal, mamahagi, at magpursigi para sa ikabubuti ng simbahan. Iniimbitahan din ang lahat na ialay ang mga personal na pagdurusa at sakit sa simbahan. Isa itong paalalang tingnan ang lahat ng may-sakit bilang si Kristo.

Itinaguyod ni Pope John Paul II ang World Day of the Sick noong ika-13 ng Mayo 1992. Ginugunita ito tuwing ika-11 ng Pebrero—kasabay ng pag-alala sa Our Lady of Lourdes—ngunit hindi ito liturgical celebration. Nilikha ni Pope John Paul II ang araw na ito isang taon matapos ma-diagnose na may Parkinson’s disease, isang kondisyon na nakompirma lamang noong 2001. Maraming isinulat ang Santo Papa ukol sa kahalagahan ng paghihirap. Sinabi niya sa Salvifiici Dolores na naniniwala siyang isa itong prosesong nakapagliligtas at nakapantutubos sa pamamagitan ni Kristo.

Noong 2005, naging espesyal ang World Day of the Sick dahil pumanaw si Pope John Paul II noong ika-2 ng Abril sa parehas na taon. Marami ang nagtipon sa St. Peter’s Square sa Roma para ipagdasal siya.

Simula noong 1992, taun-taon nang ginugunita ang World Day of the Sick. Ngayong taon, idinidiin natin ang pinakamahahalagang bahagi ng mensahe ni Pope Francis na pinamagatang “Take care of him – Compassion as a synodal exercise of healing”.

Sinimulan ng Santo Papa ang sermon sa pagdiin na ang karamdaman at paghihirap ay bahagi ng pagkatao. Ngunit, kung nararanasan ang sakit at paghihirap nang mag-isa at walang kakabit na aruga at pakikiramay, maaari itong maging di-makatao. Iniimbitahan niya ang lahat na pagnilayan ang posibilidad na maranasan ang maging tulad ng Diyos sa ating karamdaman. Dahil dito, nagiging mahahabagin, mapagmahal, at malapit tayo sa isa’t isa. 

Binanggit din ni Pope Francis na madalang tayong nakakapaghanda para sa pagkakasakit. Kadalasan pa nga, hindi natin maamin sa ating mga sarili na tumatanda na tayo. Malaki ang takot natin sa posibilidad na maging mahina. Kadalasan, sa kagustuhan natin maging patuloy na mahusay, hindi natin pinapansin ang ating nararamdaman na nagdadala naman ng pagkawala ng ating pagkatao. Kapag nakararanas tayo ng kasamaan, madalas tayong nagugulat at nahahanap natin ang ating mga sariling mag-isa at walang suporta.

Ayon sa Ebanghelyo bukas, bilang unang Linggo ng Kuwaresma, gaya ni Hesus sa disyerto, tinutukso tayo ng kapangyarihan at pagmamataas—na ipagsawalang-bahala natin ang ating karamdaman at pagkatao. Habang isinusulat ko ito, nag-aantay rin ako sa resulta ng thyroid biopsy ko na maaaring magpakita na kumalat na ang cancer sa parteng ito ng katawan ko. Habang hinahawakan ko ang pag-asa, nakahanda na ako para sa hindi magandang resulta.

Sa mga sandali na mahina tayo, minsan pakiramdam natin ay kailangan natin bumukod dahil ayaw natin maging pabigat sa iba. Ngunit nagdadala ito ng lumbay na maaaring tumungo sa pait at pakiramdam ng pag-iwan ng Diyos sa atin. Mahirap magkaroon ng mapayapang relasyon sa Diyos kapag nakikipagtunggali tayo sa ating mga sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin. Kaya naman mahalaga na maging “field hospital” ang simbahan, gaya ng Mabuting Samaritano sa Ebanghelyo, na inaalagaan ang mga tao sa panahong kailangan nila ng malasakit.

Sa kabila nito, alam naman nating hindi gagaling ang lahat ng may-sakit at naghihirap. Nasa mundo tayo kung saan bahagi ng karanasan natin bilang tao ang karamdaman at kamatayan. Ngunit pwede pa rin tayong magtiwala sa pagmamahal at malasakit ng Diyos. Alam natin na kahit sa ating pinakamadidilim na sandali, kasama natin siya. Mahahanap pa rin natin ang pag-asa sa pangako ng buhay na walang hangaan kung saan wala nang hirap at sakit.

Hinihikayat ng Santo Papa ang mga Kristiyano na magbigay ng tulong at malasakit sa mga may-sakit, at kilalanin ang presensya ng Diyos sa mga naghihirap. Nag-aalay siya ng mensahe ng pag-asa sa mga nagdurusa, sa mga may-sakit. Tinutulak niya tayong lahat na harapin ang mga mahihirap na sitwasyon nang matapang at may-malasakit.

Originally posted as “Sickness as human condition” in Manila Standard on 25 February 2023.

Translated from English by Bernadine De Belen.

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: