Isinulat ni Tony La Viña. Isinalin sa Filipino ni Jayvy Gamboa
Bagamat ang Glasgow Climate Pact, sa kabuuan, ay isang pagkadismaya, mayroon din itong ilang kahangahangang bahagi. Tingnan ang mga halimbawa:
Kinilala ng Pact na “the importance of ensuring the integrity of all ecosystems, including in forests, the ocean, and the cryosphere, and the protection of biodiversity, recognized by some cultures as Mother Earth, and also noting the importance for some of the concept of ‘climate justice’, when taking action to address climate change.”
Binigyang diin din nito ang pagkakaugnay ng pandaigdigang krisis ng climate change at ng pagkaubos ng biodiversity pati na rin ang kritikal na papel ng pagprotekta, pagkonserba, at pagpapanumbalik ng kalikasan at mga ecosystem sa pagbibigay ng benepisyo para sa climate adaptation at mitigation, habang sinisiguro ang panlipunan at pangkalikasang kaligtasan.
Kinilala ng Glasgow Climate Pact na “the devastating impacts of the coronavirus disease 2019 pandemic and the importance of ensuring a sustainable, resilient and inclusive global recovery, showing solidarity particularly with developing country Parties.”
Isang napakahalagang prinsipyo mula sa Paris Agreement ang ipinagtibay sa Glasgow Climate Pact: “Parties should, when taking action to address climate change, respect, promote and consider their respective obligations on human rights, the right to health, the rights of indigenous peoples, local communities, migrants, children, persons with disabilities and people in vulnerable situations and the right to development, as well as gender equality, empowerment of women and intergenerational equity.”
Gayundin, katulad sa Paris Agreement, binigyang diin ng mga pamahalaan ang mahalagang bahagi ng mga katutubo, lokal na komunidad, at civil society, pati na rin ng mga kabataan, sa pagtugon sa climate change. Binigyang pansin din ang agarang pangangailangan para sa multilevel at cooperative na pagkilos.
Sa Glasgow Climate Pact, ipinahayag ng mga pamahalaan ang pagkaalarma at lubusang pag-aalala na ang mga aktibidad ng tao ay nagdulot sa 1.1 °C na global warming sa kasalukuyan at ang epekto nito na nadarama sa bawat rehiyon. Ipinagtibay nila, kagaya ng nakasaad sa Paris Agreement, ang pangmatagalang layunin na panatiliin ang pagtaas ng pandaigdigang average temperature sa ilalim ng 2 °C at kumilos upang malimitahan pa ang pagtaas na ito sa 1.5 °C, nang may pagkilala na magdudulot ito sa higit na kabawasan ng mga kapahamakang kaugnay ng climate change. Bagamat inuulit lamang nito ang napagkasunduan sa Paris, kinilala din ng mga pamahalaan ang mismong pagkukulang nito sa pamamagitan ng pagtukoy na ang mga epekto ng climate change ay higit na mababawasan sa pagtaas ng temperatura na 1.5 °C kumpara sa 2 °C, na nagtutulak sa mga hakbangin na makalilimita sa pagtaas na 1.5 °C.
Upang mapagtagumpayan ito, tinukoy nila na ang paglimita sa global warming sa 1.5 °C ay nangangailangan ng mabilisan, malalim, at patuloy na pagbabawas sa mga pandaigdigang greenhouse gas emission, kasama na rito ang pagbabawas ng mga pandaigdigang carbon dioxide emission ng 45 porsyento pagdating ng 2030 mula sa antas nito noong 2010 at sa net zero pagdating ng mid-century, pati na rin ang malalim na pagbabawas sa iba pang mga greenhouse gas. Pagsulong ito mula sa Paris kung saan sinubukan naming kumbinsihin ang aming mga kasama sa negosasyon upang kilalain ang 1.5 °C bilang upper limit. Sumang-ayon naman sila sa komprimisong gawing aspirational goal lamang ang 1.5. Sa Glasgow, sa wakas ay naipanalo na natin ang labang ito ngunit nawala na sa atin ang limang taon ng implementasyon.
Ang climate finance marahil ang pinakamalaking isyu sa Glasgow. Bukod pa sa iba, sinasabi ng Pact na “notes with deep regret that the goal of developed country Parties to mobilize jointly USD 100 billion per year by 2020 in the context of meaningful mitigation actions and transparency on implementation has not yet been met”. Itinutulak din nito ang mga mayayamang bansa na “to fully deliver on the USD 100 billion goal urgently and through to 2025, and emphasizes the importance of transparency in the implementation of their pledges”.
Isa ring malaking isyu ang loss and damage sa Glasgow. Kinilala ng mga pamahalaan ang pangangailangan na agarang mapalakas ang pagkilos at pagsuporta, pati na rin ang finance, technology transfer, at capacity-building, para sa pagpapatupad ng mga hakbangin upang maiwasan, mabawasan, at matugunan ang loss and damage bunsod ng masasamang epekto ng climate change sa mga developing na bansa. Panawagan din ang Pact ang isang mas matibay at karagdagang suporta sa mga aktibidad na tumutugon sa loss and damage bunsod ng masasamang epekto ng climate change. Hinimok din nito na palakasin ang mga pagkakaugnay-ugnay sa pagitan ng mga developing at developed na mga bansa, mga fund, mga technical agency, civil society, at mga komunidad upang higit na maunawaan kung paano maiiwasan, mababawasan, at matutugunan ang loss and damage.
Sa huli, ipinapangako ng Glasgow Climate Pact ang makabuluhang pakikilahok ng kabataan at boses sa mga multilateral, nasyonal, at lokal na pagdedesisyon, pati na rin sa Climate Convention at sa Paris Agreement, kasama na rito ang pagsasagawa ng taunang climate forum na pinamumunuan ng kabataan upang magkaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga Party at ng kabataan. Gayundin, ang papel ng mga katutubo at kababaihan ay kinikilala rin sa Pact.
Ipinapaalala sa akin ng mala-roller coaster na karanasan sa Glasgow ang limang aral sa negosasyon na naisulat ko na rin noon: (1) Ang kalaban ng mabuti ay ang perpekto; (2) Ang paglalakbay ng sanlibong milya ay nagsisimula sa unang hakbang – sa tamang direksyon; (3) Ang parehong paglalakbay ay nagsisimula sa kung saan ka nagmula, kaya naman alamin mo kung saan ka nagmula; (4) Bukas ay isang panibagong araw, kaya huwag sumuko; (5) Gumising nang maaga, pagmasdan ang pagbubukang-liwayway, at magdasal. Magdaragdag ako ng ika-anim: Ang mumunting tagumpay ay may halaga kung dadalhin tayo nito palapit sa hangganang makapagpapanalo laban sa climate change.
Maaaring kadisma-dismaya ang Glasgow, ngunit hindi tayo nabigo. Hindi pa.
Visit this link to access the article.